Thursday, July 01, 2004
Ang Unang Pag-ibig na Sikreto by Adrian Furing
Here's a little something my good friend/poet/songwriter wrote. i hope you guys enjoy his work. I am very proud of him so I might publish more of his work here (with his permission of course).

Ang Unang Pag-ibig na Sikreto (June 30, 2004)

isang mapusyaw na hapon at pula ang langit
nag-aagaw tingin ang liwanag sa dilim
sumasayaw ang luntian sa himig ng hangin
naupo ako, yakap ang lamig na naglalambing

waring inuukit ng mga kutitap ang anyo ng hangin
kasabay ang musika ng ritmong ligaw
hinayaan ko silang maglayas mag-isa
sa maingat kong paghinga habang ako'y kinukubli
ng lilim na hindi ko kilala

hindi ko sasabihin sa iyo ang tunay na nakikita ko

may luha akong dahilan upang hindi sambitin
aaminin ko ang nakalutang sa mata kong lihim
at ngingiti sa akin ang mga bituin
sa init nito'y mapapatag ang mundo ko

namutawi sa isipan ko ang bughaw na dagat
sakaling kumupit ng piraso, itanim ko dito
bumaklas ang ugat, mundong mabigat
mga dahon sa aking hiraya
maaagnas ako, ni-sa panaginip hindi ko hahalikan

magkabilaan ang ating mundo

nag-uutos ang dilim at umiiyak na rin langit sa aking piling
baka luto na ang sinungkit na ulam sa inaanay kong paa
gusto kong umuwi pero wala ito sa aking mga isinaisip
maglalako na lang ako ng baraha sa piyesta ng pamaypay

ikaw ay hindi magiging ako
|
posted by Rax @ 00:15
 

knowing but not intervening...
About Me

Name: Rax
Home: Makati, Philippines
About Me: I am many things: aspiring poet, advocate, lawyer, with a good grasp of reality. I am also passionate when it comes to chasing dreams. After all, a childlike imagination is just something I cannot outgrow. Which is why I write(...and refuse to give up anime, fantasy novels and video games... :P)
See my complete profile
Previous Post
Links

Afterglow

Intelligent Ash

Extraplanar

Soul's Phantasm

Unguarded Utterance
Archives
Shoutbox


Powered by

Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com BLOGGER