Monday, August 30, 2004
Mapa

by Adrian Furing

Another gem by my good friend Adz. Enjoy!

Mapa


may darating na tagsibol na hindi mo na ramdam
ang bawat taludtod ng iyong mga kanta...
na halos wala ka nang mahahawakan kundi amuhin ang iyong mga luha,
umawit at managinip pa habang ang mundo ay mahimbing;
kapagka dumating na ang panibagong bulalakaw ikaw ay maaagnas...
hindi ka naman daw umiiyak, umuulan lang ang iyong paligid
wala ka namang inuungkat dahil dalisay ang iyong pag-ibig
at kung saan man patungo ang agos ng tulang ito
na nais kung isiksik sa bawat hilatsa ng iyong buto-buto;
magugulat ang iyong mundo sa pagkadapa ng anino ko
gayunpaman, umaawit pa rin ang hinaing ko sa lugmok na katawang ito
paano ba tayo magtatagpo sa yumaong mapang ito,
gayong hindi ko pa nababasa kahit pabalat ng iyong libro?
marami akong nakita sa mata ng aking kaluluwa
at halos lahat ay hindi matangggap ng aking sikmura
ang mga nilalang na ito ang pag-ibig ko!
at hindi ko alam kung kailan ko isusuko sa iyo ang lokasyon ko sa mapang ito;
o baka hindi na tayo magtagpo
malulungkot ako, malulungkot ako
ngunit bago pa man dumating ang tinadhanang tagsibol
ako ay aawit at mananginip;
at magiging masaya - kapiling ka

|
posted by Rax @ 23:21
 

knowing but not intervening...
About Me

Name: Rax
Home: Makati, Philippines
About Me: I am many things: aspiring poet, advocate, lawyer, with a good grasp of reality. I am also passionate when it comes to chasing dreams. After all, a childlike imagination is just something I cannot outgrow. Which is why I write(...and refuse to give up anime, fantasy novels and video games... :P)
See my complete profile
Previous Post
Links

Afterglow

Intelligent Ash

Extraplanar

Soul's Phantasm

Unguarded Utterance
Archives
Shoutbox


Powered by

Weblog Commenting and Trackback by HaloScan.com BLOGGER